Minsan lang ako magbasa ng aklat… Tamuhh! Wala akong paxenxia sa mga librong di naman ako maka-relate. Dyusko… Sayang naman ang precious seconds ko (naks…bigatin) kung gugulin ko sa mga aklat na sobrang talinghaga na kahit si Rizal ay mapapanganga at masasabing ‘WTF!!!!!!’
Di ko type ung mga Danielle Steel O John Grisham NOVELS kasi sobrang antukin ako. Madali akong ma-bored. Sa totoo lang! Parang bibliya sa kapal at yung mga letra eh kasing liit ng langam. Tinitingan ko pa lang ay parang pang bedtime stories ang dating. Yung mga book cover siguro ni Ms. Steel ay pagtritripan kong pagbalbalan pero nungka mo akong mapagbabasa kahit acknowledgment ng moher. Siguro kung mala komiks yung mga akda nya at paniguradong fast-forward ako sa kangkangan episode / scene. Sarap kaya ng mga muscled men… SLURPEEEE! Di ko rin type yung mga straight love stories dahil wala naman akong mapapala. Though nagsimula ako kina Gilda Olvidado at Helen Meriz nang ako ay bata-bata pa. (Yup, di na kailangan pang itago ang edad dahil kailanman ay di ko ito kinahiya).
Kaya mega search ang alindog ko sa mga aklat na pang bading, jokla, bakla, transvestite o third sex. Iniiwasan ko yung mga temang ‘cliche’ – mga tipong bading tigok kay AIDA or minolestiya nang fairy. Kuwidaw ako sa mga ganyang aklat na kay bigat dalhin sa balunbalunan. Wala akong balak magtimpi sa mga ganitong babasahin. Napakaikli ng buhay… gusto ko naman ng akdang kakapulutan ko ng lakas ng loob sa tuwing imumulat ko ang aking mga matang naka false eye lashes pa!!!!
At ito na nga… dumaan na sa aking mga palad ang akda ni LOUIE CANO’s ‘PAMHINTA X’
Overall, natuwa at super hats off ako kay Manay Louie. Akala ko kung sinong ‘Mr. High and Mighty’ noong una at magpapakabanal banalan para ituwid ang aming pagkakamali. DOON AKO NAGKAMALI!
Minsan hesitant kasi akong magbasa ng Filipino writers lalo na kung English ang material. Ewan ko ba…its just me pero parang naaangasan kasi ako. Hindi ako magaling mag-ingles kaya wag mo nang naisin na basahin ang ibang post ko kung miyembro ka ng ‘grammar police’. Blog ko ito kaya magdusa ka…dumugo man ang ilong mo – wiz me pekibels! Alam ko na si Manay Louie, mas marami ang akda nya ay nakalimbag sa ingles. Naiintindihan ko naman yun dahil mas malaki ang market lalo na kung English ang material. Kaya GOW ka lang Manay…. wag mong intindihin ang marakulyo ko. Maganda yung ginawa mong effort na magsulat rin sa tagalog dahil mas maraming baklang pinoy ang nakaka-relate dito. Ang sa ganang akin kasi, kung talaga maganda ang akda or aklat lalo na at naging best seller…. feeling ko ipipilit i-translate yan sa ibang dialect lalo na kung feeling ng mga publisher na kikita rin ito sa bansa nila. Tulad na lang ng Mo Yan’s Life and Death Are Wearing Me Out and Jiang Rong’s Wolf Totem.
OO nga pala…bilang ganti sa nagbigay sa akin ng aklat na ito na super kunsintidora – Ate Karen, naway ang mga fairy god mothers ko up above ay i-bless ka sa iyong kagandahang loob.
Going back kay Manay Louie – nakakawala ng antok ang aklat ng moher. Napahagikhik, natawa at na-arouse ang aking imahinasyon sa kanyang witty and sensible opinions and wentong pang porno. Natapos ko nga ito sa dalawang upuan (yes…mga bakla… matagal akong magbasa dahil trip kong inuulit ulit ang mga chapters lalo na kung sobrang LOVE ko). HIGHLY RECOMMENDED ko sa lahat ng mga bloggers – straight man o bading. I cant wait for another title na ipinanganak ni Manay Louie. Super add ko nga siya agad sa FB eh hehehehe. Sana gawa ka rin ng screen play. Kahit na hindi tungkol sa bading. Yung mala ‘Here Comes The Bride’ ang dating.
Basta mga bakla…. Bilhin nyo ang mga gawa ni Manay Louie Cano. Gow na sa mall at alam kong may conversion na ang lahat at mas malaki ang andalou natin dahil Mid-year na noh lalo na yung mga kipay na nag-work sa call center. Huwag Maging BARAT… huwag MANGHIRAM. Bumili ka BEKI!!!!!!


















