Kalukadidang BICOL EX-PRESS


sa kahit anong angulo mo tingnan … ang THIRD PARTY o pagiging KABIT  ay isang moral na pagkakamali hindi lang sa mata ng Diyos kundi sa mata ng tao.

Katulad nang nababasa or napapanood natin sa TV o sa pelikula, isa na ata sa pinakamasalimuot na yugto nang buhay nang kahit ano at sinong may karelasyon ang magkaroon ng isang kabit o third party.  In short, ang magkaroon ng “kalukadidang”.  Kahit magkandirit o tumili ka pa sa kaunti at mga nakaw na sandali, hindi pwedeng maging sayo ang hindi mo pag aari

Marami ang involve sa mga ganitong sitwasyon – hindi lang asawa o boyfriend kundi pati pamilya at kaibigan.  Sino ba ang nagkulang sa paalala?  sino ba ang nagkulang sa “kuda”?  nagkulang ba ang mga inuman sessions o talaga bang matigas lang ang ulo mo… isama mo na ang kukote mo?!?!  Baka naman sumobra ang hitit mosa sigarilyong tangan mo ngayon at puro usok na lang ang laman ng utak mo!  Naisip mo ba ang mga anak mo? 

Hindi ko rin naman kasi maisip bakit … ang isang tao na single naman, likas na may kagandahan at kakisigan, marami namang single friends sa FB at Twitter at sandamakmak ang mga inuman galleries sa malate pero pinili mo pa ang maging third party?  marami naman dyang walang sabit… walang pananagutan!

Dahil mas convenient para sayu ang maging kabit dahil andyan lang siya at dati mo nang barkada o kapitbahay? O di kaya ay gusto mo ng adventure?  Anu ka… si

Hindi mo ba naisip man lang na kahit anong mangyari, bumaliktad man si batman at maging blue man ang spandex ni Superman, hindi ka magiging kanya?  Ang mas nakakatakot pa sa sitwasyong ito, paano kung malaman ni legal wife na kinakalantare mo ang asawa or boyfriend nya?  Ipa-book na ba kita sa mga reality talk shows?  mamili ka PERSONALAN or FACE TO FACE?  eto na ba ang susunod na eksena sa buhay mo:

Wag mong sabhin sa akin na ‘you fell in love with him” or sawa ka na sa “adobo” nang asawa mo at gusto mo naman ng “bicol express”? anu to “kanto breakfast club”?  Tandaan mo:

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s