#hugotpamore recipe: how to make a #GrahamCake


image

First ibuhos ang durog na graham cake sa isang lalagyan.   Yung durog ang gamitin mas maganda.  Pero ok rin naman kahit yung biskwit.  Durugin na lang parang pagdurog mo sa puso ko.  Dun ka nga ata magaling… dahil kayang kaya mong durugin ang lahat ng pagtangi ko.

After ibuhos mo na ang pinaghalong kondensada at creamer.  Parang yung mga panaginip ko na unti unting nalusaw dahil nakita ko pityur mo may kasama kang iba.  Anu ba ako… oo nga pala di naman tayo.  Tapos ipatong mo na yung mga natirang graham. Then ibuhos mo uli yung kondensada at creamer. Patong patong. Bakit? Di ako nagseselos. Patong patong lang ang nararamdaman ko.  Di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa itong nararamdaman ko or iiwasan na lang kita.  Make sure ilagay mo sa ref yang graham cake… o ilagay mo na lang dyan sa puso.  Pareho lang naman yun.  Baka nga mas malamig pa dyan sa puso mo eh